Monday, January 22, 2007


gaogao and daodao. forever. at 3:07 AM

Billet Doux: Isang CYOA
yin-yin

Sinumang makakakita kay Gao-gao, iisipin nilang nag-aaral ang binata. Paano ba naman kasi, nakasubsubsob ang kanyang ilong sa isang librong makapal. Nababaluktot ang kanyang likod dahil yukung-yuko siya. Tila ba nagsusulat na parang walang bukas.

---Dao-dao’s POV---

Nagkataong napadaan ka ng araw na iyon sa may library. As usual, Wednesday iyon at talaga namang bored na bored ka na. paano ba naman kasi, iniwan ka ng mga sinasabi mong kaibigan na sina Yin-yin, Way-way, at Pay-pay. Iniisip mong huwag silang patawarin, pero bigla namang sumagi sa utak mo na nagiging makitid ka na naman. Hay, naalala mong nagpa-alam nga pala sila sa iyo na magpapaconsult. Tsk..tsk..naiwan kang magisa sa gazebo, init na init at pinapawisan pa. O ang malas nga naman.

Kaya naman pumunta ka nag lib para makapagbasa-basa at mag-paaircon. Naalala mong nabanggit sa iyo na malamig sa bandang encyclopedia section ng lib. ayos, makaktingin pa ikaw ng mga yearbook.

Halos lahat ng table doon ay puno, dalawang table na lang ang natitira. Ang isa ay malapit sa maaiingay na mga 2nd year at ang isa ay malapit kay Gao-gao.

Saan ka uupo?
Ayaw mo namang magpa-istorbo, pero baka isnabin ka lang ni Gao-gao…
Paano kaya iyon?

---Gao-gao’s POV---
Hay nako, kalian ko ba ibibigay ang love letter na ito?

Iyon ang naiisip mo ngayon. Kakagawa mo pa lang ng isang love letter para kay Dao-dao na ang nilalaman ay isang poem na angkop para sa kanya. Ikaw ang gumawa nito, kaya naman kinailangan mo pa ng English-filipino dictionary para makahanahp ng nagtutugmang Filipino word na akma sa tula.

Bigla mo namang naisip klung gaano ka katagal sa lib. half-day kasi kayo ngayon dahil sa scholarship meeting. Sa tingin mo, dapat hindi na lang nag-half-day. Dapat wole day na walang pasok.

Kung anu-ano pa ang naisip mo. Hindi mo namalayan na may isa kang kaklaseng pumasok ng lib. gusto mo kasing malamn kung sinu-sinong cesium ang papasok ng lib para maka-alis ka agad at makapagtago. Mahirap na, baka malaman pa nila kung anong ginagawa mo. Pero, tuloy ka pa rein sa pag-iisip. Hay nako…kalian mo kaya ito ibibigay?

Napatingin ka sa bigla sa iyong harap, nandoon si Dao-dao na tila ba namimili sa dalwang bakanteng Table. Hinihiling nmo na piliin niya ang mesang malapit sa iyo, bakak kasi maibigay mo na ang love letter.

Pero, kung sakaling piliin nga niya nag table na yon, naisip mo kung maibibigay mo ang iyong love letter, o irerevise mo pa siya.

Nakita mong isa itong lose-lose situation.

Ayaw mong magcope sa possible rejection ni Dao-dao.
Ayaw mo rin namang maduwag sa kanya.

Anong gagawin mo?

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Kung ikaw si Gao-gao, hintayin ang post# 2 kung pipiliin mo ang pagbigay kay Kring ng love letter.
Post # 3 naman ang hintayin mo kung irerevise na lang ang loveletter.

Kung ikaw si Dao-dao, hintayin mo ang post#2 kung gusto mong umupo sa table malapit kay Gao-gao.
Post #3 naman kung ayaw nmong umupo malapit sa kanya.


Sunday, January 21, 2007


gaogao and daodao. forever. at 8:02 PM

umupo si karina sa katabing mesa, ito na ang iyong pagkakataon.

naisipan mo na mas mabuti na ang rejection kaysa sa habang buihay mong pagsisihan na pinalipas mo ang pagkakataon na ipaalam ang iyong pag-ibig.

lumapit ka sa kanya habang dumudulas ang iyong pawis at medyo nanginginig na kamaya sa isang bakanteng upuan. pinahid mo ang pawis na may kasamang alikabok sa iyong pantalon habang nag-ipon ng lakas ng loob na gumawa ng ingay upang masdan ka niya.

"a... aa... AaaAAaaAacccCCcCCcccHhHHhooOOOoOOooooO!!!!!!!!!!!!!!!!"

ano ba yan bat yun pa ang naisip mo baka maweirdan sa iyo si dao dao paano ka na mabubuhay kung naweiweirdan sa iyo ang minamahal mo.

Hinampas mo ang sarili mo sa inis.
"Uhm karina... may nagpapabigay." sabay mong inabot ang love letter na pinaghirapan mo.

nagmadali kang umalis tas tumakbo ka pabalik sa dorm at tinago ang muka mo sa isang unan.

AaaAaaAAAaaaaaaaaHhhHhHHhhhhh... bat ko sinabi yun.

nainis ka sa iyong sarili ngunit pagkalipas ng panahon naisipan mong gumaan ang iyong pakiramdam kahit paano. Mula noon naisipan mong ligawan si dao dao para sa iyong sarili.

gumawa ka ng isa pang love letter at binigay mo kay dao dao.
"uhm... may nagpapabigay"

"Huh, cno ba nagpapabigay? uhmm... gwapo ba siya" tanong ni dao dao

"hindi ko masasabi kung sino, pero gwapo siya bagay kayo."

huwat!? ano yun?

pinagpatuloy mo ang pagbibigay ng mensahe nang linggong iyon.

nang umuwi ka nung friday. bumili ka ng limang regalo na ibibigay mo isa isa bawat araw upang isipin niyang extern at manatiling lihim ang iyong ginagawa. Para sa monday bumili ka ng tobleron, sa tuesday mas malaking TOBLERON, sa wednesday Ferrero, sa Thursday, ferrero na hugis puso ang lalagyan, at para sa friday bumili ka ng tatlong malalaking stuff toy isang aso, isang pusa, at isang teddy bear dahil hindi ka nakatitiyak kung ano ba ang gus2 niya.

nung monday bingyan mo si dao dao ng tobleron

nung tuesday binigyan mo si dao dao ng TOBLERON

nung wednesday binigyan mo si dao dao ng Ferrero

nung thursday binigyan mo si dao dao ng (heart shaped) Ferrero

at nung Friday... (to be continued)

(continuation)

nagisip ka ng paraan kung paano mo malalaman ang paboritong hayop ni dao dao ng walang nakapapansin na inaalam mo.
bago magsialisan ang cesium sa classroom bigla kang sumigaw uhm may libre akong tickets sa zoo Cesium punta tau. alok mo, medyo nagsisi ka kasi hindi naman talaga libre ang mga tickets bumili ka lang ng marami kasi hindi mo kayang personal na yayain si dao dao.

matagumpay ang unang bahagi ng plano mo. nagtungo sa zoo ang cesium. pagdating mo dun kinalat mo sa lahat kung ano ang paborito mong hayop.

naweirdan sau si bye-bye "weird mo"
mabuti nalang sinabi ni yin yin ang kanyang paboritong hayo ang earthworm. "love ko earthworms!"
laking tuwwa mo nang nagsimulang nag-usap ang cesium tungkol sa kanilang paboritong mga hayop.

may yumuko kay dao dao "ikaw anong paborito mo?"
yumuko ka rin upang madinig mo ang kanyang sagot "mahilig ako sa dolphin!"

masayang naglibot ang cesium nang napansin nilang nawawala ka.

pumunta ka pala sa mall upang maghanap ng dolphin na stuff toy ang malas mo naman bakit hindi nalang aso ang paborito niyang hayop?!

akyat... baba... takbo dito... takbo doon...
sa blue magic... "Wala kayong dolphin!?", "sorry sir..."
sa bearhugs... "Wala kayong dolphin!?", "ano ba kaya nga bearhugs!"
sa Filbars... "wala rin kayong dolphin", "FHM nlng po natitira...", "teka bakit ako and2"tanong mo sa sarili

pagkatapos mong sumuko lalabas ka na ng mall nang nakita mong may dolphin stufftoy ang isang bata. Bumili ka ng candy at binigay ito sakanya at gaya ng inaasahan mo pinahawak niya sau ang dolphin (TTTTAAAAAKKKKKKBBBBOOOOO) diretso sa fully booked bili ng card

Dear karina, ....

bumalik ka na sa zoo

"san ka ba nanggaling"
"oo nga"
"nag-alala kami"

"ah may tumawag sakin may ipinabibigay kay dao dao" sagot mo

lumapit ka kay dao dao at binigay mo ang dolphin na stufftoy at ang sulat. binasa ni dao dao ang sulat

Dear karina,

matagal na kitang iniibig ngunit wala akong lakas ng loob upang kausapin ka mahal kita at sana mahalin mo rin ako sa araw na magawa kong nang ipakilala ang aking sarili

-reinier

"Reinier?!" sigaw ni karina

"huh nilagay ko ba pangngalan ko?" tanong mo sa iyong sarili

kinabahan ka, bumilis ang tibok ng puso mo, tiyak na wala ka nang takas,(AaaaAaAAAaaaAAaAaAahhhhHHhhHhH!!!! !@#$%^&*)

(to be continued)


about us

gaodao-fansclub. :) at ito ang pinakamagandang love story of all time. :)

linkage

skins



our past.

January 2007
February 2007



Credits

Lay-out by: Nix7
Image from: Deviantart
Skins from: Blogskins
Powered by: Blogger