Monday, January 22, 2007
gaogao and daodao. forever. at 3:07 AM
Billet Doux: Isang CYOA
yin-yin
Sinumang makakakita kay Gao-gao, iisipin nilang nag-aaral ang binata. Paano ba naman kasi, nakasubsubsob ang kanyang ilong sa isang librong makapal. Nababaluktot ang kanyang likod dahil yukung-yuko siya. Tila ba nagsusulat na parang walang bukas.
---Dao-dao’s POV---
Nagkataong napadaan ka ng araw na iyon sa may library. As usual, Wednesday iyon at talaga namang bored na bored ka na. paano ba naman kasi, iniwan ka ng mga sinasabi mong kaibigan na sina Yin-yin, Way-way, at Pay-pay. Iniisip mong huwag silang patawarin, pero bigla namang sumagi sa utak mo na nagiging makitid ka na naman. Hay, naalala mong nagpa-alam nga pala sila sa iyo na magpapaconsult. Tsk..tsk..naiwan kang magisa sa gazebo, init na init at pinapawisan pa. O ang malas nga naman.
Kaya naman pumunta ka nag lib para makapagbasa-basa at mag-paaircon. Naalala mong nabanggit sa iyo na malamig sa bandang encyclopedia section ng lib. ayos, makaktingin pa ikaw ng mga yearbook.
Halos lahat ng table doon ay puno, dalawang table na lang ang natitira. Ang isa ay malapit sa maaiingay na mga 2nd year at ang isa ay malapit kay Gao-gao.
Saan ka uupo?
Ayaw mo namang magpa-istorbo, pero baka isnabin ka lang ni Gao-gao…
Paano kaya iyon?
---Gao-gao’s POV---
Hay nako, kalian ko ba ibibigay ang love letter na ito?
Iyon ang naiisip mo ngayon. Kakagawa mo pa lang ng isang love letter para kay Dao-dao na ang nilalaman ay isang poem na angkop para sa kanya. Ikaw ang gumawa nito, kaya naman kinailangan mo pa ng English-filipino dictionary para makahanahp ng nagtutugmang Filipino word na akma sa tula.
Bigla mo namang naisip klung gaano ka katagal sa lib. half-day kasi kayo ngayon dahil sa scholarship meeting. Sa tingin mo, dapat hindi na lang nag-half-day. Dapat wole day na walang pasok.
Kung anu-ano pa ang naisip mo. Hindi mo namalayan na may isa kang kaklaseng pumasok ng lib. gusto mo kasing malamn kung sinu-sinong cesium ang papasok ng lib para maka-alis ka agad at makapagtago. Mahirap na, baka malaman pa nila kung anong ginagawa mo. Pero, tuloy ka pa rein sa pag-iisip. Hay nako…kalian mo kaya ito ibibigay?
Napatingin ka sa bigla sa iyong harap, nandoon si Dao-dao na tila ba namimili sa dalwang bakanteng Table. Hinihiling nmo na piliin niya ang mesang malapit sa iyo, bakak kasi maibigay mo na ang love letter.
Pero, kung sakaling piliin nga niya nag table na yon, naisip mo kung maibibigay mo ang iyong love letter, o irerevise mo pa siya.
Nakita mong isa itong lose-lose situation.
Ayaw mong magcope sa possible rejection ni Dao-dao.
Ayaw mo rin namang maduwag sa kanya.
Anong gagawin mo?
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Kung ikaw si Gao-gao, hintayin ang post# 2 kung pipiliin mo ang pagbigay kay Kring ng love letter.
Post # 3 naman ang hintayin mo kung irerevise na lang ang loveletter.
Kung ikaw si Dao-dao, hintayin mo ang post#2 kung gusto mong umupo sa table malapit kay Gao-gao.
Post #3 naman kung ayaw nmong umupo malapit sa kanya.